HomeSocial MediaMay pinagmahanan? Ama ng 'hit-and-run' suspect, sangkot sa pagtapos sa buhay ng...

May pinagmahanan? Ama ng ‘hit-and-run’ suspect, sangkot sa pagtapos sa buhay ng isang negosyante noong 1995

Dahil sa kasikatan ni Jose Antonio Sanvicente, ang suspek sa pag-araro sa security guard na si Christian Floralde ay pati tuloy ang nakaraan ng pamilya nito ay naungkat na.

Sa inilabas na artikulo ng Abogado.com.ph, ibinulgar na naharap na pala sa kaso ang ama ni Sanvicente dahil sa pagkitil nito buhay ng isang Filipino-Chinese na negosyante.

Sinabi ito ni Volunteers Against Crime and Corruption president Arsenio “Boy” Evangelista kung saan ay inakusahan si Joel Sanvicente ng pagtapos sa buhay ng negosyante sa harapan ng isang ATM sa Far East Bank and Trust Company Branch sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Ayon sa records ng Korte Suprema ay isinuko ni Sanvicente ang ginamit niyang baril sa mga pulis kung saan ay nagpares ito sa bala na nakuha sa katawan ng biktima.

Sinabi ni Evangelista na ang ama ng hit-and-run suspect na humarap kamakailan lamang sa media ang taong kumitil sa buhay ng negosyanteng si Dennis C. Wong noong 1995.

Naging kontrobersyal naman ang naging desisyon ng korte sa kaso ni Mr. Sanvicente kung saan ay sinabi na walang ebidensya na makakapagpatunay na siya nga ang kumitil sa buhay ng negosyante.

Umabot sa Court of Appeals ang nasabing kaso kung saan ay binaliktad nila ang hatol at sinabi na positibong si Sanvicente ang tumapos sa buhay ni Wong.

screencap 2022 06 18 at 10.51.40 AM
Screencap ng Joel Sanvicente v. People of the Philippines mula sa chanrobles.com

Ngunit nag-iba muli ang takbo ng kaso ni Sanvicente ng umabot na ito sa Korte Suprema kung saan ay pinawalang sala muli ang nakatatandang Sanvicente.

Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Consuelo Ynares-Santiago.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang mga Sanvicente dahil sa pagiging maimpluwensya diumano nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular