HomeCelebritiesJuan Ponce Enrile, 104-anyos na pag natapos ang termino niya bilang Presidential...

Juan Ponce Enrile, 104-anyos na pag natapos ang termino niya bilang Presidential Legal Adviser

Ikinabigla ng mga netizens ang anunsyo ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan ay sinabi nito na kukunin niya ang 98-anyos na si dating senate president Juan Ponce Enrile bilang susunod na presidential legal counsel.

Sa nasabing edad ay si Enrile na ang pinakamatandang naging miyembro ng gabinete ng isang pangulo at maaring maging pinakamatanda na naging opisyal ng gobyerno hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Sa kabila ng kanyang edad ay hindi naman maipagkakaila na matalas parin ang utak ng beteranong politiko at nangako ito na gagawin niya ang makakaya niya para makatulong sa darating na administrasyon.

“To all those who sent me their best wishes, thank you very much. I will try my best to help BBM, his regime, the country and our people. Por la Patria,” ani Enrile.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nagbigay ng reaksyon sa pagbalik ni Enrile sa gobyerno ay si outgoing senator Ping Lacson.

“Amazing! At 98, Juan Ponce Enrile could be in the Guinness World Records forever for being the oldest government official when he steps down at age 104 in 2028, if he is not there yet at his present age.” ani Lacson.

Nagbigay din ng reaksyon ang kanyang anak na si Katrina Ponce-Enrile.

Pinaalalahanan naman ni Ponce-Enrile ang kanyang ama na isoot ang kanyng hearing aid.

“I am so proud of you Dad. Again, out of retirement at age 98. May the Lord bless you with length of days in perfect health and may your mind continue to sharpen! I think you should be in the Guinness World Record for being the oldest government official. Love you Dad. Wear your hearing aid.” aniya.

katrina ponce enrile

Hinihintay ng mga netizens ang magiging pahayag ng Guiness Book of World Records kung mailalagay ba si Enrile bilang pinakamatandang government official sa mundo.

Si Enrile ay nagtrabaho din sa ilalim ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang ama ng susunod na presidente ng bansa.

Isa rin siya sa mga nanguna sa People Power Revolution na nagpatalsik sa mga Marcos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular