HomeSocial MediaIsang Fil-am expert, naniniwala na delikado ang pagbubukas muli ng Bataan Nuclear...

Isang Fil-am expert, naniniwala na delikado ang pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant

Nagbabala ang isang Filipino-American geologist na naging propesor ng Univerrsity of Illinois at Chicago (UIC) sa balak ng susunod na administasyon na buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Sa isang webinar ay ibinahagi ni Dr. Kelvin Rodolfo ang mga maarin maging panganib ng pagbubukas ng BNPP na proyekto ng ama ng susunod na pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kasi kay Rodolfo ay nasa mapanganib na lokasyon ang BNPP.

Malapit daw kasi ito sa Mt. Natib, isang bulkan na may posibilidad na maging aktibo.

bataan nuclear power plant 1

Limang bansa rin daw ang hindi pabor sa plano ng gobyerno at ito ay ang  Indonesia, Malaysia, Vietnam, Taiwan at South Korea.

Ito’y kahit na nag-alok na ang South Korea ng kanilang serbisyo upang i-rehab ang BNPP.

READ MORE: South Korea, inalok si BBM na tignan kung maari pang maayos ang Bataan Nuclear Power Plant

“I hope that all of these countries will be so worried so that the international atomic agency will not allow us to open it. Of course the nuclear industry is so crazy, who knows what they can do,” ani Rodolfo.

Nag-aalala rin ito sa magiging problema na dulot ng BNPP sa kalikasan.

“The biggest problem with the BNPP is ‘yung used fuel, after 4-6 years 20 percent of fuel assembly uranium remains, it’s very radioactive,” paliwanag pa ng eksperto.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Marcos sa babala ni Rodolfo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular