Home Social Media Alagang alaga! ‘Sakristan’ na tumapos sa buhay ng Maguad siblings, dinala sa rehabilation center

Alagang alaga! ‘Sakristan’ na tumapos sa buhay ng Maguad siblings, dinala sa rehabilation center

0

Pumalag ang pamilya Maguad ng malaman nila na dinala sa rehabilitation center imbis na sa kulungan ang ‘sakristan’ na isa sa mga kumitil sa buhay ni Crizzle Gwen, 18 anyos at Crizzule Louis, 16,

Sa panayam sa kanila ay hindi maitago ni Cruz at Lovella Maguad ang sama ng loob dahil imbis na dapat ay sa kulungan pinagdudusahan ng suspek ang kanyang mga nagawa ay tila nakatanggap pa ito ng kalinga dahil sa rehabilitation center siya dinala.

Ibinahagi ng magulang ng mga biktima ang confession ng sakristan kung saan ay planado talaga ang kanilang ginawang pagkitil sa magkapatid upang makuha ang milyon-milyong piso na nakalagay sa ATM ng pamilya.

Parang hindi diumano nabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kanilang mga anak dahil hindi man lang daw ito nadala sa detention facility.

Hindi naman malaman kung ano ang nangyari sa isa pa sa mga suspek na si ‘Janice’ na matatandaang kinupkop pa ng pamilya Maguad.

Nitong Mayo 17 ay hinatulan ng hanggang 34 na taon na pagkakakulong ang dalawang suspek.

Isinisi naman ng pamilya Maguad sa Republic Act 9344 or Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na likha ni outgoing Sen. Kiko Pangilinan ang natatanggap na proteksyon ngayon ng mga suspek.

Matatandaan na hinamon noon ng pamilya Maguad na magsalita si Pangilinan tungkol sa nasabing isyu ngunit hindi ito pinansin ng senador.

Facebook Comments