Home Celebrities Skusta Clee, inamin na nami-miss ang kanyang anak na si Zebbiana

Skusta Clee, inamin na nami-miss ang kanyang anak na si Zebbiana

0

Inamin ng rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang ‘Skusta Clee’ na nami-miss niya na ang kanyang anak kay Zeinab Harake.

Sa kanyang Instagram story, makikita si Skusta na ibinahagi ang larawan ng kanyang anak na si Zebbiana.

Kasama sa larawan ang isang maiksing mensahe na nagpaantig sa mga netizens.

“I miss u so bad anak,” ani Skusta sa kanyang story.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa tila pagbabago ng posisyon ni Skusta na kilalang palaban sa isyu na ibinabato sa kanya ngayon.

“Ayan na ngsstart na ang pinakamalaking konsencya de karma ooppps bkit di ba hindi mo yan anak hahaha,” sabi ni Jhingzkie Laurena.

“Yan ang sinayang mo Skusta clee Kong dimo sana sila Iniwang dalawa di yan mangyayari sayo.¬†At sana mag kakasama kayo ngayon at bou pa ang pamilya mo pero wala na eh sinyang mo ang pinakamagnadang Pamilya mo,” wika ni Abeygail Mose.
“Namimiss kuno pero sya din naman sumira nang pamilya niya. Hays! Sana lang wag sya kamuhian ni baby bia paglaki niya.” komento naman ni Florenz Bacoy.
Matatandaan na inakusahan si Skusta ni Zeinab ng pagtataksil at iniwan diumano sila ng rapper para sa ibang babae.
Dahil dito ay inulan ng batikos ang rapper na umabot na kahit sa kanyang mga live performances.
Umabot pa sa punto na diumano’y nag-walkout ito na mariing itinanggi naman ng kampo ni Skusta.
Ayon sa kanila ay sumama lang bigla ang pakiramdam ng rapper kaya’t umalis ito sa entablado sa gitna ng performance niya.
Facebook Comments