HomeSocial MediaPNP itinanggi na may koneksyon ang pamilya Sanvicente sa pinuno ng kapulisan

PNP itinanggi na may koneksyon ang pamilya Sanvicente sa pinuno ng kapulisan

Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may koneksyon ang kanilang officer-in-charge na si Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa pamilya ng suspek na umararo sa isang security guard sa Mandaluyong.

Matatandaan na pinuna ng mga netizen ang tila pagmano ng ina ng suspek kay Danao na nag-ugat sa espekulasyon ng mga netizens.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hindi personal na kilala ni Danao ang pamilya ni Jose Antonio Sanvicente.

“As far as we know, hindi ito personal na kilala ng ating officer-in-charge,” sabi ni Fajardo.

Ayon kay Fajardo ay ginamit ng pamilya Sanvicente ang kanilang “koneksyon” upang maipaabot ang kanilang mensahe kay Danao na matatandaan na hinimok silang sumuko na.

“Ito pong tatay o mga magulang ang nag-initiate, naghanap ng kakilala na puwede po nilang makausap at makarating kay chief PNP o OIC,” sabi ng tagapagsalita ng PNP.

Ang nangyaring press conference noong Hunyo 15 ay ang unang pagkakataon kung saan nagkita si Danao at pamilya Sanvicente.

Hinimok naman ng mga netizens si Danao na maging pantay sa pagtrato sa mga suspek.

“Sir Danao be the Police where us a mahirap can trust you.” sabi ni netizen Love Desales.

“Pag pinalibre yan , walang kwenta ang justice system at magiging bias ang kapulisan. No one is above the law,” wika ni Ves Creencia.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular