Home Politics Pangulong Duterte may biro sa pagiging Vice President ng anak niya: “Ituloy nalang natin”

Pangulong Duterte may biro sa pagiging Vice President ng anak niya: “Ituloy nalang natin”

0

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sa loob ng 11 na araw ay dalawang Duterte ang mamumuno sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Bataan nitong Biyernes, Hunyo 17 ay sinabi ni Duterte na ang kanyang anak na si vice president-elect Sara Duterte ay manunumpa na sa Hunyo 19.

Ibig sabihin nito ay magkakaroon ng Pangulo at Bise Presidente na parehas na Duterte sa loob ng 11 araw bago ang inagurasyon ni president-elect Bongbong Marcos.

Biro tuloy ng Pangulo ay maari na nilang ituloy tuloy ang kanilang tambalan.

“There is a queer coincidence in our history maybe it would be the first time — I don’t know, I have yet to look into the archives of our country — but si Inday, my Vice Mayor, would swear sa loyalty niya sa Constitution and to the country ngayong 19. So si Bongbong Marcos would take his oath of office on June 30 pa,” ani Duterte.

“So at that time, at that point in time sa history, ang Presidente ako pa. June 30 pa ‘yung isa eh. Pero may Vice President na nag-oath of office na. So in about — how many days it would be? Eleven, oo tama 11 days, ang Presidente ninyo Duterte, ang Vice President ninyo Duterte. Kaya sabihin ko kay Inday, ituloy na lang natin ito. Hindi biro lang,” dagdag niya pa.

Nakatakdang bumaba sa pwesto ang Pangulo sa Hunyo 30.

Matatandaan na naging mag-tandem narin ang mag-ama noong sila’y namuno sa Davao City bilang alkalde at bise-alkalde.

 

Wala pang pahayag ang kampo ni Marcos sa birong ito ng Pangulo.

 

Facebook Comments