HomeSocial MediaJV Ejercito, ibinulgar ang pananaksak diumano ni Jose Antonio Sanvicente ng matanda...

JV Ejercito, ibinulgar ang pananaksak diumano ni Jose Antonio Sanvicente ng matanda na nakaalitan nito sa kalsada

Ibinulgar ni incoming Sen. JV Ejercito ang mga diumano’y iba pang nakatagong baho ng hit-and-run suspect na si Jose Antonio Sanvicente.

Matatandaan na humaharap sa patong patong na kaso si Sanvicente dahil sa pag-araro nito sa security guard na si Christian Floralde.

Ngunit ayon kay Ejercito ay hindi lang pala si Floralde ang unang naging biktima ni Sanvicente sa kalsada.

Ayon kay Ejercito ay nanaksak diumano ng isang matanda si Sanvicente sa gitna ng pagtatalo nila na may kinalaman din sa trapiko.

Naniniwala ang susunod na senador na tanging rehas na lamang ang makakapagpabago sa ugali ni Sanvicente.

“Jose Antonio San Vicente has to pay the consequences of his action. Also prison time might be a good chance for him to reform.” ani Ejercito.

“Received info that he has a history of stabbing an older person because of a traffic altercation. Justice has to be served,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot ang kampo ni Sanvicente tungkol sa mga akusasyon ni Ejercito.

Matatandaan na noong 2010, 2015 at 2016 ay naharap narin dahil sa ‘reckless driving’ si Sanvicente na tinawag na “mabait” at “responsable” ng kanyang ina.

Hindi naman malaman kung kasama na nga ba dito ang binabangit na kaso ni Ejercito.

Isa si Ejercito sa mga nagbigay ng pabuya noon kapalit ng pagkakahuli kay Sanvicente.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular