HomeCelebritiesAi-Ai, may mensahe sa kanyang social media: "Don't cheat. If you're unhappy,...

Ai-Ai, may mensahe sa kanyang social media: “Don’t cheat. If you’re unhappy, just leave,”

Nagbigay ng mensahe ang komedyante na si Ai-Ai delas Alas sa gitna ng sunod sunod na paghihiwalay ng mga celebrity couples.

Sa kanyang Instagram post, nagbigay ng payo ang comedy queen sa mga tao na nagbabalak pagtaksilan ang kanilang mga asawa.

Kasama na dito ang mga mensahe na “Don’t cheat. If you’re unhappy, just leave” at “Cheating is a choice, not a mistake,”

“Ang daming kong nakikita sa tiktok na mga nag hihiwlay dahil sa cheating .. kaya eto mga paalala bago mag cheat sa inyong mga asawa or kasama sa buhay .. higit sa lahat ilagay ang Dyos Sa sentro ng inyong pag sasama para maging maayos at masaya … maging kontento dahil wala namang perfect na tao .. at sa mga mag asawa parateng alalahanin ang inyong sinumpaan sa harap ng Dyos..” ani Ai-Ai.

Matatandaan na naging usap-usapan ngayong taon ang hiwalayan sa pagitan ni Paolo Contis/LJ Reyes, Aljur Abrenica/Kylie Padilla, King Badger/Jelai Andres, at Skusta Clee/Zeinab Harake.

Third party ang naging dahilan ng mga nasabing hiwalayan.

Samantala ay wala namang problema si Ai-AI sa kanyang relasyon kay Gerald Sibayan na kanyang pinakasalanan noong 2017.

Itinanggi rin niya na nag-cheat ang asawa niya sa kanya.

“Akala ko po nag cheat si Mr. Buti nlng binasa ko caption mo,” sabi ng netizen.

“nyek hahaha malayo napaka bait nun,” tugon naman ni Ai-Ai.

screencap 2022 06 17 at 8.05.52 AM

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular