Home Celebrities SP Tito Sotto kay Pang. Duterte: “Kung nagnakaw ng bayabas ang mahirap kulong agad!”

SP Tito Sotto kay Pang. Duterte: “Kung nagnakaw ng bayabas ang mahirap kulong agad!”

0

Hindi na nakapagpigil pa si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ilabas ang kanyang pagkadismaya sa pagtrato na ginagawa ng mga kapulisan ngayon sa hit and run suspect na si Jose Antonio Sanvicente.

Nitong Hunyo 15 ay sumuko na sa mga otoridad si Sanvicente at humingi ng patawad sa pag-araro niya sa isang security guard ngunit hindi parin ito hinuli ng mga kapulisan.

Dahil dito ay hindi na nakatiis si Sotto at nagbigay na siya ng mensahe kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa tila hindi na pantay ang batas sa Pilipinas.

Ibinahagi din nito ang tweet ng mamamahayag na si Karen Davila kung saan ay nagpakita rin ito ng pagkadismaya dahil sa pinauwi lamang ng PNP si Sanvicente matapos ang pag amin niya sa nagawa niyang kasalanan.

“Kapag mahirap nagnakaw ng bayabas kulong agad! What’s happening to our country Mr President?” sabi ni Sotto sa kanyang tweet.

Ibinahagi din ni Sotto ang batas ng Anti Drunk and Drugged Driving Law kung saan ay kinakailangan na sumailalim sa drug test ang mga hit and run suspect katulad ni Sanvicente.

Matatandaan na noong Enero ay inaresto ng mga otoridad ang isang 80-anyos na lolo sa Pangasinan dahil sa pagkuha nito ng mangga sa kanyang kapitbahay.

Ilang beses din itong ikinumpara ng mga netizen sa kaso ngayon ni Sanvicente.

Ngunit hinuli ang matanda sa bisa ng isang warrant at dumaan din sa proseso ang pagkakahuli dito.

Facebook Comments