Home Celebrities Sharon Cuneta sa mga bumabatikos sa pagiging LGBT ng anak niyang si Miel: “God doesn’t make mistakes”

Sharon Cuneta sa mga bumabatikos sa pagiging LGBT ng anak niyang si Miel: “God doesn’t make mistakes”

0

Ipinagtanggol ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang anak na si Miel Pangilinan mula sa pambabatikos na natanggap nito matapos siyang magladlad bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa kanyang Instagram post, pumalag si Sharon sa mga kritiko ni Miel at sinabi na naniniwala siyang hindi pagkakamali ng Panginoon ang maging LGBT ang anak niya.

“Lots of people who are quick to judge instead of pausing to think for a moment that my daughter, like so many members of the LGBTQ+ Community, did not choose to be queer. She just is. I believe God doesn’t make mistakes. So many of the most sincere and most decent people I know are also LGBTQ+ and I love them for all that they are.” wika ni Sharon.

Ayon sa kanya ay mas masaya na siya ngayon na nakikita ang kanyang anak na malaya na.

Mas mahalaga daw na may pananampalataya parin sa Panginoon si Miel at mabuti parin itong tao.

“Like I said, all my children are PERFECT. I may be a Mom with traditional values, but that doesn’t mean that my mind is too tiny to accept people for what they are – what more my own child? What matters in a person is their goodness. Sincerity, pureness of heart. Faith in God.” sabi pa ng megastar.

Matatandaan na inamin ni Miel na isa siyang “gay” at masaya siya na naamin niya na ito sa publiko.

READ MORE: Anak ni Kiko Pangilinan na si Miel, inaming miyembro siya ng LGBT: “Your baby is gay”

“This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer,” ani Miel.

Facebook Comments