Home Social Media Mrs. Sanvicente sa kaso na kinakaharap ng anak nila: “Hindi ho kami makatulog, hindi kami makakain”

Mrs. Sanvicente sa kaso na kinakaharap ng anak nila: “Hindi ho kami makatulog, hindi kami makakain”

0

Sinubukan kunin ng ina ng suspek sa hit-and-run na si Jose Antonio Sanvicente ang simpatya ng publiko.

Sa kanyang mensahe sa publiko, sinabi ni Mrs. Sanvicente ang paghihirap na kanilang nararanasan ngayon simula ng gawin ng kanyang anak ang pag-araro sa isang security guard sa Mandaluyong.

Matatandaan na halos mag-agaw buhay na ang security guard na si Christian Floralde matapos siyang araruhin ng SUV ni Sanvicente.

“Hindi po kami makatulog. Hindi kami makakain. Siyempre anak namin ‘yung involved. Saka nag-viral na eh, ‘di ba? Masisira na ‘yung buhay ng anak ko. Mabait ‘yung anak ko. Nagta-trabaho siya. He’s a very responsible man. Ito, aksidente lamang talaga ‘to. Lumaki lang talaga nang lumaki,” ani ni Mrs. Sanvicente.

Ayon sa LTO ay ilang beses ng lumabag sa batas trapiko ang suspek kaya naman hindi na nila ito bibigyan pa ng lisyensa na makapagmaneho habambuhay.

Hindi rin nito mapigilan na mag-alala sa magiging kinabukasan ng kanyang anak.

“I feel so sad, kasi ano na ang mangyayari sa future ng anak ko, ‘di ba? Maayos ang anak ko. Sino ba may gusto na takbuhan ‘yun?” sabi pa ng ina ng suspek.

Sa ngayon ay itutuloy parin ni Floralde ang pagsasampa ng kaso laban kay Sanvicente na posibleng humarap sa patong patong na reklamo.

Ngunit kahit na isa itong hit-and-run suspect ay hinayaan parin ng mga otoridad na makauwi si Sanvicente dahil sa wala pa daw silang kapangyarihan na hulihin ito.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na batikusin ang PNP dahil sa tila VIP treatment na natatanggap ni Sanvicente sa mga otoridad.

 

Facebook Comments