Home Celebrities Kempee de Leon, naglabas ng sama ng loob: “Kung sino inaasahan mo sila pa ang walang paki”

Kempee de Leon, naglabas ng sama ng loob: “Kung sino inaasahan mo sila pa ang walang paki”

0

Hindi napigilan ng dating Eat Bulaga host na si Kempee de Leon, anak ni Joey de Leon na maglabas ng sama ng loob sa mga malalapit sa kanyang buhay.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Kempee ang kanyang pagtatampo sa mga kamag-anak niya na hindi niya pinangalanan dahil sa diumano’y hindi man lang siya makamusta.

“Mula nung nag-umpisa ang pandemia hanggang ngayon. Wala na palang ibang tutulong sayo kung di ang Diyos, Sarili Mo, Ibang tao at iilan na tunay mong kaibigan. At kung sino pa ang inaasahan mo, sila pa ang dedma at walang paki sayo kasi safe sila and they have everything in life!” ani Kempee.

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba? kung may kailangan ka? kung may kinakain ka pa ba? kamusta kalagayan mo? kung ok ka lang ba? at kung kamusta ka? Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” dagdag pa ng 49-anyos na aktor at host.

Tinawag rin ni Kempee na “mapagpanggap” ang mga taong pinapatamaan niya.

“Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!” wika niya.

“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!” sabi niya pa.

“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba,”

Matatandaan na naging Dabarkads si Kempee ng mahigit 12 na taon bago ito matanggal sa Eat Bulaga noong 2016.

Facebook Comments