HomeCelebritiesAi-Ai delas Alas, nakatira parin hanggang ngayon sa Quezon City kahit siya...

Ai-Ai delas Alas, nakatira parin hanggang ngayon sa Quezon City kahit siya ay persona non grata doon

Ibinunyag ni Ai-Ai delas Alas na patuloy parin siyang maninirahan sa Quezon City kahit na idineklara siyang persona non grata ng isang natalong kandidato doon sa pagka-konsehal.

Sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal, sinabi ni Ai-Ai na simula pa ng siya ay 10 taon gulang pa lamang ay isa na siyang residente ng Quezon City.

Dahil dito ay wala siyang planong iwan ang nasabing siyudad dahil lamang sa ordinansa ng Quezon City council laban sa kanya dahil sa ginawa niyang parody video ni Mayor Joy Belmonte noong campaign period.

READ MORE: Ai-Ai delas Alas, ipinakita ang kanyang bahay sa Quezon City na may temang Hello Kitty

Handa naman niyang patunayan sa korte ang mga akusasyon laban sa kanya.

“Hindi ako ang gumawa ng triangle seal na ginamit sa video, kahit magkakorte kami.” sabi ni Ai-Ai.

Tinitignan naman ni Ai-Ai ang positibong naging resulta ng isyu niya at isa na rito ay ang diumano’y pagtaas ng rating ng kanyang show sa GMA-7.

“Maraming salamat sa mga Kapuso na patuloy na nanonood ng Raising Mamay, sa mga kapwa ko Pilipino at fans na sumusuporta sa akin.” sabi ng komedyante.

Matatandaan na sinabi na ng ilang eksperto na ang persona non grata ay epektibo lamang para sa mga banyaga.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular