HomeCelebritiesAgot Isidro, may hamon kay Juan Ponce Enrile: "Paresbak kayo sa 31-M"

Agot Isidro, may hamon kay Juan Ponce Enrile: “Paresbak kayo sa 31-M”

Hinamon ni Agot Isidro si dating senate president Juan Ponce Enrile na humingi nalang ng tulong sa mahigit 31-M na bumoto kay president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito’y matapos ilabas ni Enrile ang isang impormasyon tungkol sa diumano’y plano ng ilang grupo na ipahiya si Marcos sa international community.

Hinimok ng beteranong politiko ang mga darating na national security officials na bantayan ang mga nasabing banta.

“I iust picked up what I consider to be credible information that there are groups in America and in the Philippines planning and preparing to cause serious embarrassment and trouble for our newly elected President.” ani Enrile.

“I will give the details of this information to the proper official of the new regime in due time. Caution is the name of the game. You are just starting your travel in troubled waters. Your adversaries have not stopped. To borrow a phrase from someone, right now “they are hiding their brightness and biding their time.” dagdag niya pa.

Ayon naman kay Agot ay mas maganda na humingi na lamang ng tulong si Enrile sa mga bumoto kay BBM.

“Pa-resbak kayo sa 31M.” sabi ng aktres.

screencap 2022 06 17 at 5.40.58 AM

Ilang tagasunod naman ni Agot ang hindi napigilan batikusin si Enrile.

“Hindi na nila kailangan ibang tao para mag embarrass sa kanila. They can do it perfectly without our intervention,” sabi ni @Criskamote.

“Hay naku, etong tanders na ito hindi na lang manahimik. If meron man destabilization or whatever sigurado kayo kayo din may gawa nyan para magkaroon ng reason na ML ulit? Wag kami ha!!” wika ni @lucybanares.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular