HomeSocial MediaRichard Gomez, halos maiyak habang nagpapasalamat kay Pangulong Duterte: "You will go...

Richard Gomez, halos maiyak habang nagpapasalamat kay Pangulong Duterte: “You will go down in history as one of the best Presidents”

Hindi napigilan maging emosyonal ni Ormoc congressman-elect Richard Gomez habang nagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte ilang linggo bago matapos ang termino nito.

Lumipad papuntang Malacanang si Gomez kasama ang kanyang asawa na si Ormoc mayor-elect Lucy Torres-Gomez at anak nila na si Juliana upang manumpa kay Pangulong Duterte para sa kanilang magiging posisyon sa gobyerno.

Nagpasalamat si Gomez kay Duterte dahil sa malaki ang naitulong ng kasalukuyang administrasyon upang maging mas ligtas ang Ormoc City.

“I was almost in tears as I thanked him realizing that he will be in office for a few more days as our leader. Thank you, PRRD. You will go down in history as one of the best Presidents this country has ever had,” ani Gomez sa kanyang Instagram post.

Maituturing na ‘safest city’ na ang Ormoc ayon kay Gomez na noon ay itinuturing na isa sa mga pinakadelikadong lugar sa Eastern Visayas dahil sa noo’y pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar.

Makikita rin si Sen. Christopher “Bong” Go sa mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang social media.

Nakatakdang matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.

Hindi naman malaman kung magreretiro na nga bang tuluyan sa public service ang dating alkalde ng Davao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular