Home Social Media Mrs. Sanvicente naawa sa anak niyang umararo sa sekyu: “Paano na ang kinabukasan niya”

Mrs. Sanvicente naawa sa anak niyang umararo sa sekyu: “Paano na ang kinabukasan niya”

0

Hindi mapigilan ng ina ng SUV driver na umararo sa isang security guard sa Mandaluyong na mag-alala para sa kinabukasan ng kanyang anak dahil sa posibleng kaharapin nito na patong patong na kaso.

Sa pagharap ng suspek na si Jose Antonio Sanvicente sa media ay hindi napigilan ng ina nito na ipakita ang kanyang pagdadalamhati sa nararanasan ngayon ng kanyang anak.

Sinabi ni Mrs. Sanvicente na iniisip niya na ngayon ang magiging kinabukasan ng kanyang anak lalo na’t sikat na sikat na ito sa social media matapos niyang araruhin ang isang security guard gamit ang sasakyan ng kanyang ama na nagresulta sa pag-aagaw buhay ng biktima.

“Kawawa naman ang anak ko. Ano mangyayari sa future nya dahil sa viral video. Paano na ang kinabukasan nya,” sabi ni Mrs. Sanvicente.

Inamin din ni Mrs. Sanvicente na natakot siya sa kaligtasan ng kanyang anak lalo na ng marinig nila ang banta ni PNP OIC chief, Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Dahil dito ay nagdesisyon sila na isuko na sa mga kapulisan ang suspek at para linawin narin ang kanilang panig.

Samantala ay sinabi naman ng ama ng suspek na si Joel Sanvicente na kahit siya ay nabigla sa ginawa ng kanyang anak sa security guard.

Ito’y kahit na ilang beses na palang lumabag sa batas trapiko ang suspek.

Wala namang balak umatras ang biktima na si Christian Floralde sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

“Tinanggap ko naman po ‘yung sorry niya. Hindi lang tama na tinakbuhan niya ako at ginulungan niya ako. Nagpapasalamat ho ako na lumabas na siya para madinig naman po natin ‘yung side niya,” ani Floralde.

“Tuloy parin po ‘yung kaso. Kailangan po harapin nila ‘yung kaso na nakasampa,” dagdag pa niya.

Facebook Comments