HomeSocial MediaLalaki na nagpanggap na mayaman, hindi binayaran ang mga nilibre niyang customer...

Lalaki na nagpanggap na mayaman, hindi binayaran ang mga nilibre niyang customer sa isang convenience store

Nahaharap ngayon sa reklamo ang isang lalaki matapos itong magpanggap na isang mayaman at nangako na sasagutin ang bill ng mga namimili sa isang sikat na convenience store kahit na wala naman pala talaga itong pera.

Sa video na ibinahagi ng “Team Bayabang Strictly No Humble Allowed” Facebook page ay makikita ang isang lalaki na napapalibutan ng mga empleyado ng nasabing convenience store dahil sa wala naman pala itong pera na maipambabayad sa mga customer na inilibre niya.

Maririnig naman sa video ang pagpapaliwanag ng suspek ngunit hindi naman ito maintindihan.

“Nagpanggap na mayaman nilibre lagay ng naka pila wala naman pala pambayad, nakakaawa ang mga crew,” sabi sa caption ng post.

Dahil dito ay sasagutin diumano ng mga crew ang mga produkto na dapat ay libre ng suspek.

Ilang netizen naman ang sinubukan hulaan kung ano ang kondisyon ng lalaki.

“Feeling ko depress yan. Same scenario sa dati kong work. May nag aapply then tinuturuan nyapa ung nag iinterview sakanya pati mga manager tinuturuan nya. nung nahimasmasan saka nya sinabi na ilang araw nasya di maka tulog at walang kain dahil di makahanap ng work.” sabi ni Ward Yambao.

“Mga boss di nyo na sana sya sinasaktan halata naman na may deperensya yung tao at wala sa katinuan dulot ng alak,di naman sya nanakit o nagwala,maganda dyan dalhin sa presinto at ipatawag yung mga kaanak para sila yung magsabi kung ano ang kondisyon ng tao at yung mga kamag anak yung magbayad.tinitignan ko itsura kawawa din,baka may pinagdadaanan yung tao.nakakainis pero tignan din natin yung side nya.” komento naman ni Nimrod Padua.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular