HomeSocial MediaJose Antonio Sanvicente na umararo sa isang security guard, nagpakita na sa...

Jose Antonio Sanvicente na umararo sa isang security guard, nagpakita na sa publiko: “My apologies sa nangyari,”

Sa unang pagkakataon ay lumabas na sa publiko ang suspek sa pag-araro sa isang security guard sa Mandaluyong City nitong nakaraang Linggo.

Sumuko na sa mga otoridad si Jose Antonio Sanvicente Jr. na diumano’y nagda-drive ng SUV na bumangga at tinakbuhan ang security guard na si Christian Floralde.

Iniharap ng pinuno ng PNP na si Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa publiko ang suspek sa pamamagitan ng programa na Pulis @ ur serbis.

Kasama ni Sanvicente ang kanyang mga magulang at abogado.

Humingi ng paumanhin ang suspek kay Floralde sa kanyang ginawang pag-araro sa security guard.

“My apologies sa nangyari. My apologies kay Mr. Floralde at sa kanyang pamilya,” wika ng suspek.

Isinuko narin sa PNP ang mismong SUV na umararo sa security guard.

20220615 132622

“As of now, they voluntarily gave up. ‘Yung vehicle na ginamit, sinama na rin po nila sa pag-surrender ‘yung sasakyan mismo. ‘Yun po ang isa sa pinaka-importanteng ebidensya na kailangan nating mahawakan.” sabi sa pahayag ng PNP.

Itinanggi naman ng suspek na mayroon siyang koneksyon sa mga makapangyarihang indibidwal.

FB IMG 1655270268668

Inamin naman nila na natakot sila sa banta ni Danao kaya’t agad na silang sumuko.

Matatandaan na hinimok ni Danao ang kampo ni Sanvicente na huwag ng hintayin ang warrant laban sa kanila at sumuko na sila dahil sa alam naman nila na mali ang kanilang ginawa.

Makikita naman na tila uminit ang ulo ng hepe ng PNP ng makita ang suspek.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Sanvicente tungkol sa pagsuko nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular