HomeCelebritiesAnak ni Kiko Pangilinan na si Miel, inaming miyembro siya ng LGBT:...

Anak ni Kiko Pangilinan na si Miel, inaming miyembro siya ng LGBT: “Your baby is gay”

Inamin ng anak ni outgoing senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Miel Pangilinan na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa kanyang post sa social media ay isinakto ni Miel ang kanyang pag-amin ngayong Hunyo na itinuturing na ‘Pride Month’.

“This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer,” ani Miel.

“Its a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay ilang taon niya ring inisip ang kanyang tunay na pagkatao at ngayon ay masaya na siya na tanggap niya na ang kanyang sarili.

“Happiest and safest of Pride months, allies and members of the queer community alike. And yes I am the gay cousin,” sabi pa niya.

Suportado naman si Miel ng kanyang pamilya na sina Sharon, Kiko at Frankie.

screencap 2022 06 15 at 11.45.43 PM

“She will certainly be treated no different by us her family and those who truly love her. I will love her just the same, if not more. Like I said, all my children are PERFECT.” ani Sharon.

“I may be a Mom with traditional values, but that doesn’t mean that my mind is too tiny to accept people for what they are – what more my own child? What matters in a person is their goodness. Sincerity, pureness of heart. Faith in God. In Miel, I have all those. I am proud of my girl and always will be.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular