Home Celebrities Skusta Clee, nag-walk out sa gitna ng concert ng Ex-Battalion

Skusta Clee, nag-walk out sa gitna ng concert ng Ex-Battalion

0

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila biglaang pag-alis ng rapper na si Skusta Clee sa gitna ng performance ng kanyang grupo na Ex-Battalion.

Sa naganap na concert ng Ex-Battalion sa Pandayo Alon Water Music Festival nitong Hunyo 12.

Makikita sa ilang video na kumakalat ngayon sa social media ang pag-alis ni Skusta habang ang kanyang mga kasamahan sa Ex-Battalion ay nakatingin sa kanya na tila nagtataka.

Ayon kasi sa mga nakapunta sa festival ay inulan ng mura at ‘boo’ mula sa mga manonood ang rapper ng siya na ang kumanta sa hanay ng nasabing banda.

@dvlogg

That specific time na navideohan ko itong moment na to, ewan ko pero bakit parang ramdam ko yung bigat sa stage, promise ang lungkot. hindi ko alam kung ano yung mga pinag dadaanan ng mga artist na ito at kung ano man ang mga nagawa nila kaya dont judge me kung mafeel ko yung ganito, sharing this as a videographer po 🫰anyways! solid padin yung perfomance ng XB at ni Darly 🤘Solid Pandayo Alon Music Fest!!!Saludo sa mga lokal rap artist ng pinas 👏 #pandayo #fyp

♬ original sound – Bryan Kier Dime – Bryan Kier Dime

Ilan sa mga sigaw ng mga manonood ay “cheater” at “babaero” kaya naman hindi na kataka taka kung maapektuhan ang rapper sa trato sa kanya ng mga fans.

@miyuksssss

Skusta clee walk out yarn? BWHAHAHAHHAHAHAAH #alonmusicfestival #skustaclee #fyp

♬ original sound – Miyuki Andrea – Miyuki Andrea

Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng hindi magandang pagtrato ang rapper mula sa mga manonood.

Nitong nakaraang Aurora Music Festival ay inulan din ng kantyaw at batikos ang rapper mula sa mga manonood.

Ngunit nakita naman na tinapos ni Skusta ang kanyang performance sa nasabing event at binago pa ang ilang mga lyrics ng kanyang kanta upang maka-relate sa isyu na kinakaharap niya.

Matatandaan na inakusahan si Skusta ng pang-iiwan sa kanyang longtime partner na si Zeinab Harake at anak niya para sa kanyang rumored girlfriend na si Aira Mae Lipata.

Facebook Comments