HomeSocial MediaSekyu na binangga ng SUV, hindi aatras sa kaso: " Kahit ako...

Sekyu na binangga ng SUV, hindi aatras sa kaso: ” Kahit ako isang kahig, isang tuka lamang, mayroon akong dignidad”

Walang halaga ng pera ang makakapagpaatras sa security guard na si Christian Floralde sa pagsasampa ng kaso laban sa may-ari at driver ng SUV na umararo sa kanya.

Sa panayam sa kanya ng BITAG, sinabi ni Floralde na itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek na si Jose Antonio Sanvicente.

“Hindi ako magpapa-areglo. Itutuloy ko ang kaso laban sa sumagasa sa akin. Nagpalabas ako ng video para pasalamatan ang mga tumulong at nagdasal para sa aking kaligtasan.” ani Floralde

Ayon sa kanya ay hindi niya ipagpapalit ang kanyang dignidad kapalit ng pera na alok sa kanya ng kampo ni Sanvicente.

“Kahit ako isang kahig, isang tuka lamang, mayroon akong dignidad. Ilalaban ko ang kaso dahil naniniwala ako sa ating hukuman,” sabi pa ng security guard.

Matatandaan na handa diumano ang kampo ng suspek na magbigay ng pera kay Floralde at sagutin din ang pagpapagamot nito kapalit ng pakikipag-areglo niya.

Samantala ay nadiskubre naman ng Land Transportation Office (LTO) na may mga paglabag narin na ginawa si Sanvicente noong 2010, 2015 at 2016.

Dahil dito ay habambuhay ng hindi maaring makapagmaneho ng ligal si Sanvicente dahil hindi na siya maaring makakuha ng driver’s license.

Hanggang ngayon ay hindi parin sumusuko ang suspek sa mga otoridad.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular