Home Social Media Mo Twister, hindi nagbibigay ng sustento sa anak na may sakit ayon kay Bunny Paras

Mo Twister, hindi nagbibigay ng sustento sa anak na may sakit ayon kay Bunny Paras

0

Hindi maitago ng dating aktres na si Bunny Paras ang kanyang pagkadismaya sa dating partner niya na si DJ Mo Twister dahil sa hindi nito ginagawa ang responsibilidad niya bilang isang ama.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Paras ang kanyang pag-alis sa showbiz para lamang palakihin mag-isa ang anak nila ni DJ Mo na si Moira.

Isa rin sa mga naging dahilan ng pag-alis niya sa showbiz ay ang pagtamlay ng career niya matapos nga siyang mabuntis ng maaga ni Mo.

Nakadagdag pa sa hirap ng kanyang pagiging ina ang hindi pagbibigay sustento nito sa kanilang anak na si Moira na ngayon ay 23-anyos na.

Natuklasan din na mayroong karamdaman si Moira na kung tawagin ay Friedreich’s Ataxia kung saan ay hindi ito maayos na nakakalakad o nakakagalaw.

Sinagot din ni Paras kung may ginawa ba si Mo para maging ama kay Moira.

“Wala akong nakitang effort, Ogs. Mabibilang ko lang. Fifteen, 16 nag-graduate ng high school yung anak ko, minessage niya, inimbita niya, pumunta sila. Mabait kay Moira, tsaka mga kapatid niya naaalala si Moira so akala ko everything’s gonna be okay kahit masama yung loob ko sa kanya because from three years old to 16 wala ka talagang nakitang help. Yung pag-sign lang niya ng adoption papers ng anak ko para yung asawa ko ang maging legal father,” sabi pa niya.

Sinubukan din daw nitong humingi ng tulong kay Mo ngunit bilang lang ang pagkakataon na nagbigay ito ng sustento.

“I did so many times. Ano ako, ghosting, dedma. Hindi ako pinansin. Siguro there are times na nag-aabot yung mommy niya ng $100 or $200 kapag kunwari may okasyon. There were times na merong konting $200 bata pa si Moira nun at saka nung newborn si Moira may mga gatas, diaper. Pero hindi siya yung sobrang libo ang expenses namin pagdating kay Moira,” kwento ng aktres.

Wala pang sagot si Mo sa akusasyon na wala siyang silbing ama sa kanyang anak na si Moira.

Matatandaan na pinag-usapan si Mo dahil sa pagdadalamhati nito sa pagkawala ng kanyang aso.

 

Facebook Comments