HomeSocial MediaLalaki na nagpakilalang 'NBI Agent' sa isang video, hindi naman pala taga-NBI

Lalaki na nagpakilalang ‘NBI Agent’ sa isang video, hindi naman pala taga-NBI

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na hindi miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaki na nag-viral sa social media matapos siyang makipagtalo sa isa pang motorista.

Nitong Hunyo 10 ay kumalat sa social media ang isang video ng lalaki na nagpakilalang agent ng NBI kung saan kinompronta nito ang isa pang motorista na diumano’y nagta-trabaho naman sa office of the president.

“Akala ko magnanakaw ka eh,” sabi ng nagpakilalang agent sa lalaki.

Makikita pa sa video na naglabas pa ng baril ang lalaki habang paulit ulit na sinasabi na siya ay agent ng NBI at mayroon siyang lehitimong operasyon.

Ngunit kayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra ay hindi ito miyembro ng NBI at pinatawag na ito ngayon para imbestigahan.

“He is now facing possible charges for violation of the Comelec gun ban (if he had no exemption), grave threat, coercion, usurpation of authority, and illegal possession of firearm (if he had no valid license),” ani Guevarra.

Wala pang pahayag ang kampo ng lalaki hanggang sa ngayon.

READ MORE: Nagpakilalang NBI at miyembro ng Office of the President nag-away sa gitna ng kalsada

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang office of the president kung totoo nga bang nagta-trabaho sa kanilang ang lalaki na kinompronta ng nagpanggap ng NBI agent.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular