HomeSocial MediaAlan Peter Cayetano, ipinaliwanag kung paano matutupad ang 10,000 ayuda kada pamilya

Alan Peter Cayetano, ipinaliwanag kung paano matutupad ang 10,000 ayuda kada pamilya

Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa mga netizens kung paano matutupad ni incoming senator Alan Peter Cayetano ang pangako niyang P10,000 na ‘ayuda’ sa kada pamilyang Pilipino.

Umabot na sa punto na naging ‘meme’ na ang pangakong ito upang hindi diumano makalimutan ng mga netizens ang sinabing ito ni Cayetano.

Nitong Marso ay ipinaliwanag ni Cayetano kung paano nga ba maipapamahagi ang P10,000 para sa mga pamilya.

“Alam ng Pangulo y’ung aking suporta sa kanya, so I hope hindi nila masamain itong counter-proposal. Simple ang proposal: institute a mandatory five percent savings in all government agencies,” ani Cayetano.

“Five percent will give you P250 billion. Once you get P250 billion, you can give each Filipino family P10,000, mayr’on ka pang P50 billion na naka-stand-by,” dagdag niya pa.

Naniniwala si Cayetano na walang masyadong magiging epekto sa mga ahensya kung magtatabi sila ng 5% para sa ayuda.

“Wala nang iiyak sa five percent. Napakaliit nyan,” sabi pa ni Cayetano.

Naniniwala din siya na dapat ay ang kasalukuyang administrasyon ang mamigay ng ayuda at huwag ng hintayin pa ang susunod na pangulo dahil baka hindi na ito matuloy.

 

Ngunit tila malabo na itong mangyari dahil ilang linggo na lamang ay matatapos na ang kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular