Home Celebrities Veronica “Kitty” Duterte, kinuhang endorser ng isang beauty brand

Veronica “Kitty” Duterte, kinuhang endorser ng isang beauty brand

0

Ibinunyag ng isang beauty brand ang kanilang bagong endorser at ‘yon ay walang iba kundi si presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte.

Sa kanilang Instagram post, ibinahagi ng Fairy Doll brand na nagbebenta ng whitening at bleaching products ang kanilang bigatin na endorser.

“As the leading skincare brand here in Davao City, we are honored to welcome you to our Fairy Doll Family. The new ambassadress of Fairy Doll, Ms. Veronica “Kitty” Duterte!” ayon sa caption ng nasabing kumpanya.

“Be the fairest of them all with Fairy Doll!” dagdag pa nila.

Kasama ni Kitty ang CEO ng Fairy Doll na si Angel Yap sa nasabing contract signing.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by FAIRYDOLL (@fairydollskinessentials)

Matatandaan na naging laman ng mga balita noon ang posibleng pagiging endorser ni Kitty ng isa pang beauty brand na Brilliant Skin Essentials na pagmamay-ari ni Glenda dela Cruz.

Ito’y matapos kumalat ang diumano’y hidwaan sa pagitan ni Kitty at aktres na si Andrea Brillantes na napatunayan namang hindi pala totoo.

READ MORE: Kitty Duterte, hinihimok na maging kapalit ni Andrea Brillantes bilang endorser sa isang beauty brand

Wala naman daw problema sa nasabing negosyante kung kukunin niya si Kitty bilang endorser.

Ngunit tila hindi na ito matutuloy dahil sa mayroon ng ine-endorso na beauty brand si Kitty.

Facebook Comments