HomeCelebritiesSUV driver na si Jose Antonio San Vicente, habambuhay na hindi na...

SUV driver na si Jose Antonio San Vicente, habambuhay na hindi na makakakuha ng lisensya

Hindi na maari pang makapagmaneho ng ligal ang driver ng SUV na bumangga sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Nitong Hunyo 13 ay inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na pinawalang bisa na nila ang driver’s license ni Jose Antonio San Vicente Jr.

Ito’y dahil sa hindi sumipot si San Vicente sa show cause order na utos ng LTO sa kanila.

Dahil dito ay habambuhay narin siyang hindi makakakuha ng lisensya sa LTO dahil sa patong patong na paglabag na kanyang ginawa nitong Hunyo 6.

Samantala ay hinamon naman ng Philippine National Police (PNP) chief Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na sumuko na ang suspek at huwag ng hintayin pa ang warrant laban sa kanya.

“Tsina-challenge kita, Mr. San Vicente. Ayaw mo sumurrender, tama? Isa lang sasabihin ko sa’yo: Baka adik ka. Bakit ayaw mo sumurender?” sabi ni Danao.

Nagtataka kasi ang hepe ng kapulisan kung bakit ayaw parin nitong sumuko kahit alam naman niya na mali ang kanyang nagawa.

Mayroong mga balita na may koneksyon si San Vicente sa isang maimpluwensyang opisyal ng gobyerno kaya’t hindi siya basta basta mahuli ng mga otoridad.

Itinanggi naman ni Danao ang mga balitang ito.

Protektado rin ito ng mga gwardiya ng isang executive village kaya’t hindi makapasok ang mga otoridad sa tahanan ng suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular