HomeSocial MediaPamilya ng guwardya na binangga ng SUV, inalok ng blangkong tseke ng...

Pamilya ng guwardya na binangga ng SUV, inalok ng blangkong tseke ng suspek: “Lagyan niyo kung magkano ang gusto niyo!”

Habang hinihintay ng mga kapulisan ang warrant ng korte laban sa driver ng SUV na bumangga sa isang security guard noong Hunyo 6 ay tila gumagawa na ng paraan ang kampo ng suspek upang makipag-areglo.

Ayon sa panayam ng mamamahayag na si Ben Tulfo sa kampo ng biktima na si Christian Floralde ay nakatanggap na sila ng alok mula sa suspek na si Jose Antonio San Vicente na iatras na lamang ang kaso kapalit ng pera.

Dalawang abogado diumano mula sa kampo ni Mr. San Vicente ang kinausap ang pamilya ni Floralde at binigyan sila ng tseke na wala pang nakalagay ng halaga.

Ayon sa mga abogado ay maaring isulat nila Floralde sa tseke kung magkano ang gusto nilang halaga kapalit ng pakikipag-areglo nila kay San Vicente.

“Isulat/ lagyan niyo kung magkanong halaga ang gusto niyo…” sabi ng kampo ni San Vicente ayon sa ulat.

Samantala ay sinabi na ni Floralde na kahit siya ay mahirap lamang ay hindi siya magpapa-areglo sa ginawa sa kanyang pag-araro ni San Vicente.

“Hindi ako magpapa-areglo. Itutuloy ko ang kaso laban sa sumagasa sa akin. Nagpalabas ako ng video para pasalamatan ang mga tumulong at nagdasal para sa aking kaligtasan.” sabi ng biktima.

“Kahit ako isang kahig, isang tuka lamang, mayroon akong dignidad. Ilalaban ko ang kaso dahil naniniwala ako sa ating hukuman,’ dagdag niya pa.

Hinimok naman ng PNP si San Vicente na sumuko na at huwag ng maghintay pa sa warrant dahil alam naman ng suspek na mali ang kanyang ginawa.

“Tsina-challenge kita, Mr. San Vicente. Ayaw mo sumurrender, tama? Isa lang sasabihin ko sa’yo: Baka adik ka. Bakit ayaw mo sumurender?” hamon ni PNP chief Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular