Home Social Media OFW sa Kuwait, inireklamo ang 14 taon na hindi pagbibigay ng sahod ng kanyang amo

OFW sa Kuwait, inireklamo ang 14 taon na hindi pagbibigay ng sahod ng kanyang amo

0

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait ang hindi maitago ang pagkalungkot at pagkadismaya sa kanyang amo matapos siyang hindi paswelduhin ng 14 na taon.

Sa video na ibinahagi ni Geovanni Reambonanza Baure ay makikita ang OFW na may dala dalang maleta at pasaporte habang ito’y papunta sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Ayon sa OFW ay taga Pikit, North Cotabato siya at nagkaroon daw sila ng matinding pagtatalo ng kanyang amo kaya’t pinalayas na lamang siya nito.

“40 AED (580 pesos) lang ang pera ko, 14 years nang hindi ibinibigay ang sahod ko… siningil ko ngayon ang sabi niya ‘wala daw siyang pera’,” sabi ng OFW.

Dagdag pa sa kanyang paghihirap ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan kaya’t gusto niya na talagang umuwi.

Hindi naman niya mapigilan na tawaging ‘hayop’ ang kanyang amo na pinagsilbihan niya ng ilang taon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Embahada sa Kuwait kung ano na ang nangyari sa matanda.

Facebook Comments