Home Social Media Netizens, pinuna si VP Leni dahil sa pagkakamali nito tungkol sa ibig sabihin ng NGO

Netizens, pinuna si VP Leni dahil sa pagkakamali nito tungkol sa ibig sabihin ng NGO

0

Hindi nanaman nakaiwas sa pambabatikos si outgoing Vice President Leni Robredo matapos nitong magkamali sa kanyang sagot kung ano nga ba ang ibig sabihin ng NGO sa Angat Buhay.

Matatandaan na pina-plano ni Robredo na ipagpatuloy ang Angat Buhay program ng kanyang opisina sa pamamagitan ng NGO o Non-government organization.

Sa episode ng kanyang radio program na BISErbisyong Leni nitong Hunyo 12 ay makikita ang maiksing diskusyon sa pagitan ni Robredo at kanyang co-host na si Ely Saludar tungkol sa NGO.

“Ma’am, linawin natin ano ang ibig sabihin ng NGO?” tanong ni Saludar.

“Hahahaha! Non-government.. non-government association,” tugon naman ni Robredo.

Itinama naman ito agad ng kanyang co-host at sinabi na ang ibig sabihin ng NGO ay “non-government organization”.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa sinabing ito ni Robredo.

“I don’t want to criticize mrs robredo but she always makes herself into something that we don’t expect who she really are.. Sometimes we do or say wrong. But consistency. Good to your journey mrs robredo,” sabi ni Rhamz Ortsac.

“Huwag nyo na kasi tanungin. Hayan na stress pa kayo sa sagot,” wika ni Penny Taylor.

Samantala ay nanawagan naman si Robredo sa iba’t ibang grupo na huwag munang mag-umpisa ng fund raising para sa kanilang NGO dahil sa hindi pa ito pormal na naitatatag.

 

Facebook Comments