HomeSocial MediaBaguilat, may patama sa Manila Bay rehab: "Dive tayo sa dagat, we...

Baguilat, may patama sa Manila Bay rehab: “Dive tayo sa dagat, we will see how much garbage is there”

May patama si dating Ifugao Representative at natalong kandidato sa pagkasenador na si Teddy Baguilat Jr. sa rehabilitasyon ng gobyerno sa Manila Bay.

Sa kanyang tweet, tinawag na “cosmetics” ni Baguilat ang ginagawang rehabilitation ngayon sa Manila Bay kung saan ay parte ng proyekto ang Dolomite Beach.

“Cosmetics. Tinakpan ang mga blemish at tigyawat ng makapal at mahal na make up.” ani Baguilat.

Naniniwala ang natalong kandidato na kapag sinisid ang Manila Bay ay puno parin ito ng basura.

“Dive tayo sa dagat and we will see how much garbage is there.” sabi pa ng dating mambabatas.

Matatandaan na isa si Baguilat sa mga kritiko ng nasabing proyekto ng gobyerno.

Nitong Mayo 31 ay iminungkahi ni Baguilat na mas magandang huwag ng sayangin pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng susunod na administrasyon ang pondo ng gobyerno sa manila bay rehab.

“I hope the first official act of new DENR Secretary is to not spend on Dolomite maintenance. Di naman puede lumangoy don” sabi ni Baguilat.

“Spend na lang on mangrove refo[reforestation], coral reef rehab, coastal cleanup, forest protection,” dagdag niya pa.

Sa isang video naman na kuha nitong 2021 ay makikita ang isang video kung saan sinisid ng mga opisyal ng DENR ang Manila Bay.

Wala namang nakitang basura sa nasabing pagsisid.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular