Home Netizen's Voice ‘Walang nagbago’ Ilang bumista sa Dolomite Beach hati ang opinyon tungkol sa pagbabago sa Manila Bay

‘Walang nagbago’ Ilang bumista sa Dolomite Beach hati ang opinyon tungkol sa pagbabago sa Manila Bay

0

Tila hati ang opinyon ng ilan sa mga pumunta sa Manila Bay Dolomite Beach matapos silang bumista sa nasabing tourist spot nitong Hunyo 12.

Sa live video ng blogger na si Alvin Tv ibinahagi nito ang ilan sa mga opinyon ng mga turista na sinubukang tignan kung may nagbago ba sa Manila Bay matapos ang rehabilitation nito.

Ayon sa unang nakapanayam ng blogger ay tila wala namang nagbago sa dolomite beach at tinawag pa ang tabing dagat na ‘malansa’.

“Expected ko talaga malinis na malinis, pagdating ko sa main entrance malinis pa pero pagdating ko dito sa bandang dulo ang madumi padin po,” sabi ng turista.

“Medyo malansa rin po ang amoy,” sagot niya pa matapos siyang tanungin ng blogger kung ano nga ba ang simoy ng hangin ngayon sa dolomite beach.

Ipinaliwanag naman ni Alvin na water hyacinth season ngayon sa Manila Bay kaya naman hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng basura at mag-amoy malansa ang karagatan.

May mga nakapanayam naman ang blogger na positibo ang naging tingin sa proyekto ng kasalukuyang administrasyon at umaasa na ipagpapatuloy ito ng mga magiging susunod na pangulo ng bansa.

Ang Dolomite Beach ay ang beach nourishment project ng kasalukuyang administrasyon upang ibalik ang dating ganda ng nasabing tourist spot.

Ngunit naging kontrobersyal ito dahil sa perang kailangan gastusin ng gobyerno upang makumpleto ang nasabing proyekto.

 

Facebook Comments