HomeCelebritiesTrillanes, handang turuan ang topnother na si Robin Padilla para maging epektibong...

Trillanes, handang turuan ang topnother na si Robin Padilla para maging epektibong mambabatas

Handa diumano ang natalo sa pagkasenador na si Antonio Trillanes IV na turuan ang topnotcher nitong nakaraang halalan na si Robin Padilla.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Trillanes na handa siyang tulungan si Padilla kung gugustuhin nitong makakuha ng kaalaman tungkol sa pagiging isang epektibong mambabatas.

“I will welcome that kasi nandyan na rin naman siya eh. Nahalal na rin siya. He might as well tulungan na lang siya how to be an effective legislator kung may makukuha man siyang ano sa atin,” ani Trillanes.

Naniniwala naman si Trillanes na may kinalaman ang social media at pagkawala ng ABS-CBN sa pagkapanalo ni Padilla.

“Hindi mo na alam kung saan nangagaling ‘yung mga impormasyon, tapos eto lumaganap ‘yung misinformation campaign kaya ‘yung mga nakuha [na impormasyon] ng mga tao, hindi mo alam kung saan nangaling,” ani Trillanes.

Nirerespeto naman ni Trillanes ang naging proseso ng eleksyon lalo na’t ito ay parte ng demokrasya.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Padilla sa pahayag ni Trillanes na isa sa mga paborito niyang batikusin.

Matatandaan na ilang beses ng nagpalitan ng maanghang na mensahe sa isa’t isa si Trillanes at Padilla.

Nitong 2018 ay hinamon ni Padilla si Trillanes na huwag na itong magtago sa senado noong bawiin ng kasalukuyang administrasyon ang pardon na ibinigay sa kanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular