HomeCelebritiesSandro Marcos, handang kupkupin pansamantala si Barbie Imperial: "You can stay in...

Sandro Marcos, handang kupkupin pansamantala si Barbie Imperial: “You can stay in the guest room, sa amin!”

Ikinatuwa ng mga tagasuporta ng susunod na representante ng Ilocos Norte First District na si Sandro Marcos ang kabutihang ipinakita nito sa kanyang kaibigan na si Barbie Imperial.

Sa kanyang vlog, sinubukan ni Barbie na i-prank ang kanyang mga malalapit na kaibigan kasama na dito si Sandro na anak ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagpanggap si Barbie na nagkaroon ng matinding alitan sa kanyang ina at kinakailangan nito ng matitirhan kaya’t isa si Sandro sa kanyang mga hiningan ng tulong.

“Explain ko lang sa inyo kung ano ‘yung gagawin ko. So sasabihn ko sa mga kaibigan ko na nag-away kami ni Mama dahil inamin niya na sa’kin na ampon talaga ako. Pero eto, guys, medyo believable kasi hindi ko talaga kamukha ‘yung mom ko.” sabi ni Barbie.

Hindi naman maiwasan na kabahan ni Barbie dahil sa mataas ang respeto niya kay Sandro.

Ngunit itinuloy niya parin ang kanyang prank call kay Sandro at dito niya na inumpisahan na humingi ng tulong sa susunod na presidential son.

“Sa’tin lang ‘to ah kasi wala pang may alam, as in wala sa friends natin may alam. Adopted ako. Kanina lang sinabi sa’kin ng nanay ko. So, ngayon umalis ako ng bahay, kaya ako tumatawag kasi magso-solo na ako e,” wika ni Barbie.

“Pwede ba akong makitira diyan sa inyo?” dagdag niya pa.

Agad naman tumugon si Sandro at sinabi na maari siyang makitira sa bahay ng mga Marcos.

“You can stay in the guest room, sa amin, pwede.” tugon ni Sandro.

Agad naman ibinunyag ng aktres na pina-prank niya lamang ang politiko.

“You’re so annoying! Kulet!!!” sabi pa ng susunod na mambabatas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular