HomeCelebritiesPara sa prangkisa? CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, bumisita diumano...

Para sa prangkisa? CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, bumisita diumano sa BBM Headquarters

Dalawang taon simula ng mawala ang prangkisa ng ABS-CBN ay patuloy paring umaasa ang mga Kapamilya fans at mga nagta-trabaho dito na makakabalik na muli sila sa national television.

Tila hanggang ngayon naman ay patuloy parin ang paggawa ng paraan ng mga executives ng ABS-CBN para maibalik ang kanilang prangkisa na hindi inaprubahan ng kongreso dahil sa patong patong na isyu.

Ayon naman sa kolumnista ng pahayagang Abante na si Joe Barrameda ay tila nililigawan na ni ABS-CBN CEO Carlo Katigbak ang susunod na pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mabigyan sila ng tsansa na makabalik sa telebisyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by R E G I N A 🕊 (@rvreigningstill)

Sa column ni Barrameda ay sinabi nito na nakatanggap siya ng impormasyon na bumisita si Katigbak sa headquarters ni Marcos sa Quezon City.

Hindi naman kumpirmado kung ano ang naging dahilan ng pagpunta ni Katigbak sa headquarters ni BBM ngunit marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa prangkisa ng ABS-CBN.

“May nagkuwento sa akin na noong isang araw raw ay namataan si Mr. Carlo Katigbak, big boss ng ABS-CBN, sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.” ani Barrameda.

“Nagtanong ‘yung nakakita kung sino ‘yung dumating. At binanggit daw ng guard na si Carlo Katigbak.” dagdag niya pa.

Hinihintay naman ng mga netizen ang magiging kumpirmasyon mula kay BBM kung bumisita nga ba ang big boss ng ABS-CBN sa kanila.

Matatandaan na hindi rin maganda ang kasaysayan sa pagitan ng ABS-CBN at ng mga Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular