Home Celebrities Larawan ng nobyo ni Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales kalat na kalat na sa social media

Larawan ng nobyo ni Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales kalat na kalat na sa social media

0

Ikinagimbal ng mga netizens ang kumakalat na mga larawan ng kasalukuyang nobyo ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Jeric Gonzales.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng Facebook page na ‘Isyus’ makikita ang akusasyon laban kay Jeric na diumano’y pinagsabay si Rabiya at isang miyembro ng LGBT community.

“Wala ng intro intro spill the tea, oh dito muna tayo guys, stop muna kay Skusta kasi may JERIC GONZALES pa. yung kilala niyong JERIC GONZALES TWO TIMER naman pala. Actually daig pa nga TWO TIMER sa sobrang daming pinag sabay sabay eh. Paano mo nagagawang lokohin ang isang Rabiya?” sabi ng Instagram user na nag-post ng mga nasabing larawan.

Makikita sa mga larawan ang pagiging sweet ni Jeric sa isang kapwa niya lalaki na hindi naman ibinahagi ang pagkakakilanlan.

Makikita pa sa ilang larawan na parehas pa ang soot nilang singsing na madalas ginagawa ng mga engaged na couple.

Ilang netizen naman ang sinubukan kumpirmahin kung si Jeric nga ba talaga ang nasa larawan.

Ang ilan ay naniniwala na si Jeric ang nasa larawan dahil sa kanyang bracelet at relo na kapareho ng soot ng lalaki sa larawan.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Rabiya at Jeric tungkol sa isyu.

Matatandaan na nitong Mayo 2022 lamang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

“Let’s be happy together. I love you.” mensahe noon ni Jeric kay Rabiya.

Ilang netizens naman ang hindi napigilan magbigay ng kanilang opinyon tungkol sa nasabing larawan.

“Nadadamay nanaman kaming mga J Ayaw ko na talaga sa mundong to gusto ko nalang sa Mundo mo.” sabi ni Jhon Robin.

“Teka lang naman!!!! Isa isa lang. Hahahahahaha. Naghahalo halo na mga chismis sa utak ko. Hahahahahahaha,” wika ni Aileen Araño.
Facebook Comments