HomeCelebritiesDoris Bigornia sa pangunguna ni Robin Padilla: Hindi parin ba umaabot sa...

Doris Bigornia sa pangunguna ni Robin Padilla: Hindi parin ba umaabot sa maturity level ang mga botante?

Tila misteryo parin hanggang ngayon sa mamamahayag na si Doris Bigornia kung bakit naging number one si Robin Padilla nitong nakaraang halalan sa pagkasenador.

Matatandaan na nanguna si Padilla sa halalan na nakakuha ng 26,454,562 na boto mula sa mga botante.

Dahil dito ay hindi napigilan itanong ni Doris kay dating Sen. Antonio Trillanes IV, kung dahil nga ba sa hindi pa ‘mature’ o hindi nagbabago ang mga botante kaya’t nanalo si Padilla nitong halalan.

“Ang nag number one ay si Robin Padilla, masasabi niyo ba senador [Trillanes] na ang mga botante ay ganun parin, hindi nagbabago, na hindi parin talaga umabot sa maturity level ang mga botante kasi kung sino ‘yung kilala nila, pamilyar sila kasi napapanood nila sa TV o nakikita nila sa pelikula eh ‘yun ang kanilang ibinoto,” tanong ni Bigornia.

Sagot naman ni Trillanes, may ambag talaga ang kasikatan ni Padilla sa pagkapanalo nito ngunit hindi naman pwede na husgahan na kagad ang publiko sa kanilang pinili na iboto.

“Yung mga sikat, mayroon na kayong edge. Pero ultimately, sila ‘yung gustong maging boses ng sambayanang Pilipino, we don’t have any reason to judge the public dahil hindi nila iboboto ‘yung hindi nila kilala,” ani Trillanes.

Sinabi rin ni Trillanes na nakaapekto sa eleksyon ang social media at ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa hindi na diumano malaman kung saan nangagaling ang mga impormasyon na nakukuha ng tao.

Hindi naman napigilan ng ilang netizen na ilabas ang gigil nila kay Bigornia.

“Si Doris matanda na yan,malapit Ng kunin ni Lord,pag tinanong ni Lord kung may ginawa si Doris na MABUTI sa lips,pag nag sinungaling Sya,itutulak agad Sya sa dagat dagatang spot,ha hah ha,” sabi ni Cepry Alcazar.

“Hahaha! Isa ka pa Doris B. malapit ka na ring maging uliyanin kaya umayos ka!” wika ni Arnulfo Nelson.

Matatandaan na sinabi noon ni Padilla na hindi ang pagiging artista niya ang naging dahilan kung bakit siya ibinoto ng tao kundi ang kanyang adbokasiya na baguhin ang saligang batas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular