HomeSocial MediaDalawang lalaki, misteryong nahulog mula sa flyover at bumagsak sa riles ng...

Dalawang lalaki, misteryong nahulog mula sa flyover at bumagsak sa riles ng MRT

Palaiisipan parin hanggang ngayon kung ano ang naging dahilan ng pagkahulog ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki sa flyover sa pagitan ng MRT-3 Taft at Magallanes station.

Nitong 6:37 P.M ay naiulat ang pagkahulog ng dalawang lalaki na agad namang binawian ng buhay matapos silang bumagsak sa mismong riles ng MRT-3.

Dahil dito ay pansamantalang isinara ang operasyon ng tren at agad naman itong itinuloy nitong 7:26 PM matapos maalis ang katawan ng dalawa.

Ayon sa mga saksi ay magka-angkas sa motor ang dalawang lalaki at posibleng bumangga ito sa gilid ng flyover na naging dahilan kung bakit sila nahulog.

Sa ngayon ay patuloy na kinikilala ng mga otoridad ang mga biktima.

Nauna ng itinanggi ng MRT-3 na nagkaroon ng aberya ang kanilang mga tren kaya nila itinigil pansamantala ang operasyon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular