HomeCelebritiesSkusta Clee, inulan ng "boo" at mura sa gitna ng live performance...

Skusta Clee, inulan ng “boo” at mura sa gitna ng live performance niya

Hindi nakapagtimpi ang mga manonood ng Clark Aurora Fest sa isa sa mga performer ng nasabing event na si Skusta Clee.

Nitong Hulyo 10 ay inulan ng “boo” at “mura” sa mga manonood ng Aurora ang rapper dahil sa mga isyu na kinakaharap nito.

Matatandaan na ilan sa mga akusasyon kay Skusta ay ang pagtataksil nito sa kanyang dating partner na si Zeinab Harake.

Lalo pang nangigil ang mga netizens dahil sa tila pag-amin ni Skusta sa relasyon niya kay Aira Mae Lipata na isang TikToker.

Sa ilang video sa social media ay makikita ang hindi magandang pagtanggap ng mga nanood ng festival kay Skusta.

May parte pa ng performance kung saan pinasalamatan ni Skusta ang mga manonood at sinabi na sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay “malakas” parin siya.

Ngunit hindi ito nagustuhan ng mga manonood at tinugunan ito ng ‘boo’.

Tila ginamit pa ni Skusta ang nasabing concert upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa isyu sa pagitan nila ni Zeinab ngunit makikita na hindi na naniniwala ang mga manonood sa kanya.

Lalo pang nangigil ang mga netizens ng baguhin ni Skusta ang kanta niya na “Zebbiana” na likha niya para kay Zeinab.

“Hindi na ikaw ang baby ko,” wika niya.

“Sayang ‘di na ikaw ang baby ko, ang baby ko…” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman ang sinabi na ‘deserve’ ni Skusta ang pagtrato na nararanasan niya ngayon sa mga fans.

“Malapit ka nang bumagsak skusta clee,” sabi ni Marivic Malicdim.

“Sinayang mo lang talent mo, wala na ako masabi,” komento ni Anig De Leon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular