HomeCelebritiesNobya ni Skusta Clee, ipina-tattoo diumano ang pangalan ng rapper

Nobya ni Skusta Clee, ipina-tattoo diumano ang pangalan ng rapper

Hindi naiwasan ng ilang netizens ang masupresa sa bawat update ng rumored couple na sina Skusta Clee at Aira Mae Lipata.

Isa sa mga ikinagulat ng netizens ay ang diumano’y pagpapatattoo nito sa pangalan ng mismong rapper sa kanyang katawan kahit na wala pa silang ilang buwan na magkakilala.

Makikita na tila proud na proud si Lipata sa kanyang pagmamahal sa rapper.

Ibinahagi ito ng Tiktoker nitong nakaraang Biyernes sa kanyang mga social media accounts ngunit ngayon ay burado na ito.

Sa nasabing larawan na kumakalat sa social media ay makikita sa tagiliran ni Lipata ang mga salitang “Skusta Clee” na hindi naiwasang batikusin ng mga netizens.

“Aira tandaan mo ilang beses syang nagluko Kay zienab kahit may anak na sila kaya Hindi Malabo na gawin din nya sau un baka anakan ka lang din tapos iiwan,” sabi ni netizen Mary Joven.

“Proud ka Ngayon tignan natin Hanggang Saman aabot yan.. wag mong burahin pag sakali mag sawa sya huh!!” komento ni Cataleya Atienza.

“Iniwan nga ni Skusta Clee si Zebby and Aira expects him to not cheat on her? Kung si Zebby iniwan eh lalos ka na Aira,” wika ni Sierra Buenaventura.

Matatandaan na kinumpirma na ni Skusta ang kanyang relasyon kay Lipata matapos niyang ibahagi ang mga larawan nilang dalawa sa Facebook.

“Kung kailan ka nawala saka ako pinagapala,” sabi ni Skusta na tila patama sa kanyang dating partner na si Zeinab Harake.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng komento si Harake sa pag-amin ni Skusta sa kanyang bagong relasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular