Home Social Media May sumpa? Historian, sinabing hindi nakakatapos ng termino ang mga presidente na nanumpa sa National Museum

May sumpa? Historian, sinabing hindi nakakatapos ng termino ang mga presidente na nanumpa sa National Museum

0

Isang historian ang ibinahagi ang tila isang nakakakabang trivia tungkol sa mga presidente ng Pilipinas na nanumpa sa National Museum of the Philippines.

Sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer, sinabi ng kilalang historian na si Ambeth Ocampo na sana’y pumili na lamang ng ibang venue si Marcos para gawin ang kanyang panunumpa bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ayon kasi sa kanya ay tatlo sa mga naging presidente ng Pilipinas na nanumpa sa National Museum ay hindi natapos ang kanilang termino.

Mula sa kanan, Manuel L. Quezon, Jose P. Laurel at Manuel Roxas

“The Fine Arts Building was the site of former inaugurals: Manuel Luis Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), and Manuel Roxas (1946). Had organizers looked closer at the history, they might have opted for another venue because two of the three presidents who took their oath there died in office. All three did not finish their terms.” ani Ocampo.

Isa rin sa mga dapat iwasan ng mga posibleng maging presidente ang Barasoin Church dahil ang dalawa sa mga nanumpa dito na sina Emilio Aguinaldo at Joseph Estrada ay hindi rin natapos ang kanilang termino.

Gaganapin ang inagurasyon ni Marcos sa Hunyo 30.

Hindi naman malaman kung alam ba ng mga Marcos ang tungkol sa kasaysayan ng mga nanumpa bilang pangulo sa national museum.

Facebook Comments