Home Social Media 58-anyos na matanda, huli dahil sa hindi nito pagbabayad sa nakagat ng kanyang aso

58-anyos na matanda, huli dahil sa hindi nito pagbabayad sa nakagat ng kanyang aso

0

Himas rehas ang isang 58-anyos na matanda matapos siyang parusahan dahil sa hindi nito pagsagot sa pagpapagamot ng complainant na kinagat ng kanyang aso.

Nakilala ang suspek na si Orlando Hernaez na residente ng Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Sa bisa ng warrant na inilabas ng Naic RTC ay hinuli ng mga otoridad si Hernaez sa kanyang tirahan.

Nag-umpisa ang reklamo matapos kagatin ng alagang aso ni Hernaez ang biktima.

Humingi diumano ng tulong pagpapagamot ang biktima sa suspek ngunit hindi sila nito pinansin kaya naman nagdesisyon sila na humingi ng tulong sa mga otoridad.

Imbis tuloy na ipapagamot lamang ni Hernaez ang biktima ay ngayo’y pinagbabayad na siya ng korte ng 24,000 upang makakuha ng pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung nakalaya na nga ba ang suspek.

Matagal ng pinapaalalahanan ng mga otoridad ang mga pet owners na maging responsable sa kanilang mga alaga.

Ilan sa mga responsibilidad ng mga pet owners ay ang:

  • Pagpapabakuna sa kanilang mga alaga
  • Pagkontrol sa kanilang mga alaga katulad at siguraduhin na hindi sila makakalakad sa kalsada ng walang bantay at tali.
  • Pagsagot sa pangangailangang medikal ng nakagat ng kanilang aso
  • Pagbibigay ng tamang pangangailangan ng kanilang mga alaga
  • Agarang pag-report kung may nakagat man ang kanilang alaga bago mag 24 oras.

 

Facebook Comments