HomeCelebritiesWalang sorry sorry! Direk Darryl Yap, kakasuhan ang streamer na inakusahan siyang...

Walang sorry sorry! Direk Darryl Yap, kakasuhan ang streamer na inakusahan siyang pumapatol sa bata

Hindi aatras ang direktor na si Darryl Yap sa pagsasampa ng kaso laban sa isang online streamer na inakusahan siya ng pagpatol sa mga bata.

Nag-umpisa ang isyu matapos ibahagi ng streamer na si Kim Constante o mas kilala bilang si ‘Kimfinity Gaming’ ang post ni Yap tungkol sa bagong pelikula nito.

Maliban sa pagpatol sa bata ay inakusahan din ni Constante ang direktor ng pagkakalat ng pekeng balita.

Dahil dito ay hindi na nakapagpigil pa si Yap at idinaan na sa korte ang mga akusasyon laban sa kanya.

“Now, like what you did, let me appeal to your friends, I need the address of Kim— where she resides and where she works, I am just gonna make her realize what is really disrespectul.” ani Yap.

screencap 2022 06 10 at 2.42.50 PM
Screencap mula sa Facebook post ni Darryl Yap

Humingi naman ng paumanhin si Constante sa kanyang nasabi kay Yap.

“Hi Direk. Sorry if I offended you in any way. I’m just a normal citizen sharing my thoughts and I didn’t expect na it will escalate to this,” sabi ni Constante na isang streamer na mayroon ng 20,000 followers.

“I immediately took down the post na. The post is not even public. I’m willing to make amends to fix this. Again I apologize. I hope we settle this privately,” sabi niya pa.

Inireklamo din nito ang pagbabanta na natanggap niya mula sa mga tagasuporta ni Yap.

Maiksi lang ang tugon ni Yap sa paghingi ng tawad sa kanya ni Constante.

“Kim, idedemanda kita. pangako.” sabi ng kilalang direktor.

screencap 2022 06 10 at 2.47.55 PM
Screencap mula sa Facebook post ni Darryl Yap

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong reaksyon sa social media ang mga post ni Yap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular