HomeCelebritiesSuperstar Nora Aunor, idineklarang National Artist for Film

Superstar Nora Aunor, idineklarang National Artist for Film

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktres at nag-iisang Superstar Nora Aunor bilang National Artist for Film.

Sa Proclamation No. 1390 na pinirmahan ni Pangulong Duterte ay makikita ang pangalan ni Aunor sa listahan ng mga bagong Pambansang Alagad ng Sining.

Naging parte si Aunor ng mahigit 175 na pelikula sa gitna ng kanyang 45 taon na career bilang artista.

nora aunor

Ikinatuwa naman ng mga Noranians ang pagiging National Artist ng kanilang idol.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ng Superstar sa pagkakatalaga sa kanya bilang National Artist.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Aunor noon dahil sa isyu niya sa ipinagbabawal na gamot.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi siya naideklarang national artist noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

nora 1
“Sa aking pananaw yung national artist binibigyan natin ng honor na ito, puri na ito ay malaki ang ambag sa lahing Pilipino at dapat tularan,” sabi ni Aquino noon.

Eto pa ang ilan sa mga personalidad na ginawaran ng prestihiyosong titulo:

Tony Mabesa – Teatro
Fides Cuyugan Asensio – Musika
Ricardo Lee at Gemino Abad- Panitikan
Marilou Diaz Abaya – Pelikula.
Salvacion Lim Higgins – Fashion.

Hindi lamang titulo ang makukuha ng mga idineklarang National Artist.

Makakatanggap din sila ng life insurance policy coverage, state funeral, monthly stipend na nagkakahalaga ng P50,000, cash award na P200,000 at medical hospitalization benefits.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular