Home Celebrities Skusta Clee, ipinakita ang larawan niya kasama ang diumano’y bago niyang gf na si Aira Mae Lipata

Skusta Clee, ipinakita ang larawan niya kasama ang diumano’y bago niyang gf na si Aira Mae Lipata

0

Ibinahagi ng rapper na si Skusta Clee ang larawan kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Aira Mae Lipata sa gitna ng isyu ng hiwalayan nila ng longtime partner niya na si Zeinab Harake.

Makikita sa nasabing larawan si Skusta habang nakatabi kay Aira na matatandaan na matagal ng pinaghihinalaan na karelasyon ng rapper.

Naging usap-usapan din ang komprontasyon diumano sa pagitan ni Aira at Zeinab na nauwi sa sipaan sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Samantala ay nag nag-post naman ng mga cryptic tweet si Skusta tungkol sa “gaga” na nawala sa kanyang buhay.

“Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala. #Gaga,” ani Skusta.

Hindi naman malaman kung ang dating partner nga ba ni Skusta ang pinaparingan niya.

Matatandaan na ibinunyag ni Zeinab ang hiwalayan nila ni Skusta dahil sa ilang beses na daw siyang niloko ng rapper.

Nalaglagan din ng anak si Zeinab sa gitna ng problema nila sa relasyon ng rapper.

Sa ngayon ay mayroong isang supling ang influencer at ang rapper.

Ilang netizen naman ang naglabas ng kanilang gigil kay Skusta.

“Nakakatawa ung word mong “Pinagpala” sa ngaun feeling mo yan ang sukli sau pero antayin mo ang pitik ng Ama sa ginawa mo,.. Sa ngaun di mo pa ramdam pero sure mararamdaman mo yan ng sobra kasama ng taong isa sa nanira ng kapwa,” sabi ni netizen Jenny Papilla.

“habang proud kang sinasabi na “pinagpala” ka sana naisip mo yung anak mong nawalan ng ama dahil #g*g* ka!” komento ni Angelu Aban.

“Dati Sabi nila pag sa pogi ka lulukuhin ka ..pag sa pangit Hindi . Pro now para mas ok na yong pogi ka lukuhin at least deserve kaysa sa pangit .. diko lam Kung masisikmura mo,” wika ni Rena Lyn.

Facebook Comments