Home Celebrities Rita “Badjao Girl” Gaviola, sinagot kung siya nga ba ay nagdadalang tao: “Opo buntis po ako sabi ng hula mo”

Rita “Badjao Girl” Gaviola, sinagot kung siya nga ba ay nagdadalang tao: “Opo buntis po ako sabi ng hula mo”

0

Sinagot ni Rita Aviola o mas kilala bilang ‘Badjao Girl’ ang mga katanungan ng netizen kung totoo nga ba na siya ay nagdadalang tao.

Sa kanyang video sa Tiktok, ibinahagi ni Aviola kung ano nga ba ang katotohanan sa mga balita.

Makikita rin sa video na mayroon siyang kasamang lalaki na hindi naman niya nilinaw kung ano ang relasyon niya.

Ngunit may ilang tingin ay nobyo ni Badjao Girl ang nasabing lalaki na kasama niya dahil sweet ang mga mensahe nila sa isa’t isa.

β€œIloveyouu 😽πŸ₯° @jericouz,” sabi ni Aviola.

“Sana di too hula ko na buntis si idol. Mauna napo ako mag congrats jeje,” sabi ng isa sa mga fan ng netizen.

Pabiro naman niyang sinagot ang mga nasabing katanungan.

“Ahaha opo buntis ako sabi ng hula mo,” sagot ni Aviola.

@jericouz

Iloveyousomuch ❀️ @itssritagaviola

♬ Tunay – π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘˜πΏπ‘œπ‘’π‘€π‘Žπ‘™π‘–π‘›π‘Žπ‘œπŸŒΉ

Matatandaan na sumikat si Aviola noong 2016 matapos siyang makuhanan ng larawan habang siya ay namamalimos sa Pahiyas Festival sa Quezon Province.

Makikita sa nasabing larawan ang natural na ganda ni Badjao Girl kaya naman maraming netizen at kumpanya ang tumulong sa kanya.

Simula noon ay marami ng nagbago sa buhay ni Rita at binabalak pa nitong sumali sa Miss Universe pageant.

β€œNaalala ko pa noong araw na makuhanan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama may takot saking isipan, at konting sayang nararamdaman dahil sa oras na yun di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin, ngunit dumating na ang mga diko inaasahang pangyayari yoon po ngayon ang aking pinapasalamat unang una po sa ating puong may kapal at pangalawa kay kuya Topher na kung di dahil saknya di mangyayari ang lahat lahat ng ito,” ani Gaviola.

Facebook Comments