Home Celebrities Opisyal ng CBCP, tinawag na “sampal” ang resulta ng halalan sa Simbahang Katolika

Opisyal ng CBCP, tinawag na “sampal” ang resulta ng halalan sa Simbahang Katolika

0

Isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naging resulta ng halalan 2022 na sampal sa mukha ng Simbahang Katoliko.

Sa isang panayam, sinabi ni Boac Marinduque Bishop at CBCP Episcopal Commission on Social Communication chairman Marcelino Antonio Maralit na malaking katanungan ngayon kung nawala na nga ba ang impluwensiya ang simbahan pagdating sa pagkumbsi sa mga katoliko sa pagpili ng susunod na mga lider.

“What happened to our voice? Is it because we’re not that credible anymore and sometimes it’s very hard and very painful to ask that question but credibility when it’s a moral choice is based on your own moral ascendancy.” ani Maralit.

Naniniwala si Maralit na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na pinapakinggan ng tao ang simbahan ay dahil sa hindi na sila konektado sa mga nananampalataya.

“Maybe we still have the morality and the moral ascendancy but our message does not reach the people…maybe we are not speaking the same language,” sabi niya pa.

“Maybe we have already failed them by not listening to them,” he added. “The election is just a phase of what our people were already telling us. It’s really hard to give your message when the person is already disconnected.” dagdag niya pa.

Matatandaan na naging aktibo ang ilang miyembro ng Simbahang Katoliko sa pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Makikita ang bise nitong kampanya na pumupunta sa loob ng mga simbahan bilang parte ng imbitasyon sa kanya.

Ngunit natalo parin ito ng paboritong batikusin ng simbahan na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng mahigit 31-M na boto.

 

Facebook Comments