Home Netizen's Voice Nagpakilalang NBI at miyembro ng Office of the President nag-away sa gitna ng kalsada

Nagpakilalang NBI at miyembro ng Office of the President nag-away sa gitna ng kalsada

0

Pinag-usapan sa social media ang away sa pagitan ng isang nagpakilalang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at diumano’y miyembro ng Office of the President.

Sa Facebook page ng “SIRBUSU Channel” ay makikita ang komprontasyon sa pagitan ng dalawang lalaki na ipinagmalaki sa isa’t isa ang kanilang posisyon sa gobyerno.

Sa nasabing video makikita ang lalaki na mayroong hawak na baril at nagpakilalang miyembro ng NBI habang ang nagre-record naman ng video ay sinabi na nagta-trabaho siya sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tila hindi naman maniwala ang dalawa sa isa’t isa kaya’t pareho silang nanghingi ng ID.

Sa huli naman ang ibinigay ng nagre-record ng video ang kanyang ID.

Paliwanag naman ng nagpakilalang NBI agent ay hinarang niya ang lalaki dahil sa akala nito ay tumatakas ito sa kanila.

“Akala ko magnanakaw ka eh,” sabi ng nagpakilalang agent sa lalaki.

Mayroon din daw silang operation noong mga sandali na ‘yon kaya naman hindi niya naiwasan na harangin ang lalaki.

Depensa naman ng nagpakilalang miyembro ng Office of the President ay nagmamadali lang siya kaya’t hindi niya na pinansin ang pagharang sa kanya ng diumano’y NBI agent.

Hindi naman nagkasakitan ang dalawa.

Ilang netizen ang nagbigay ng kanilang opinyon sa nasabing komprontasyon.

“Nagpang abot ang parehong mayabang,” sabi ni Mclins Felisilda.

“Pabunut bunut pa ng barel nya. Susundo lng nang anak kaya nag mamadali. Bakit ganun pag mahirap gusto nila tapak tapakan ka na lng nila.” ani Merly Prasquita.

“Kalma lang mga bossing kapwa government kyo ngtrabo dapat magkasundo kyo ang magkapatawaran,” payo naman ni Elma Gahisan.

Wala pang pahayag ang NBI at Office of the President sa nangyaring insidente.

Facebook Comments