HomeCelebritiesRuffa Gutierrez, inanunsyo ang pagkikita ng kanyang mga anak at ni Yilmaz...

Ruffa Gutierrez, inanunsyo ang pagkikita ng kanyang mga anak at ni Yilmaz Bektas matapos ang 15 na taon

Inanunsyo ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang pakikipagkita ng dalawa niyang anak na si Lorin at Venice sa ama nila na si Yilmaz Bektas sa Istanbul.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ruffa na matapos ang 15 na taon ay makikita na muli ni Yilmaz ang kanilang mga anak.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay sinubukan makipag-usap ng bunso ni Ruffa kay Yilmaz at positibo naman ang naging resulta nito.

Kaya’t nitong Hunyo 8 ay sinabi ni Ruffa na naka-schedule ang dalawa niyang anak na makipagkita kay Yimlas ngayong linggo.

“After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain” dagdag niya pa.

Matatandaan na nitong Pebrero ay inimbitahan ni Yilmaz si Ruffa sa Istanbul ngunit tinanggihan ito ng aktres.

Naiintindihan naman ito ng mga netizens lalo na’t hindi maganda ang naging katapusan ng relasyon ng dalawa.

Noong 2007 ay naghiwalay ang dalawa dahil sa “cultural differences” ngunit ikinagulat ng publiko ang rebelasyon ni Ruffa na biktima siya ng pananakit.

“Si Yilmaz pag nagagalit nawawala sa sarili. He put me in the bathtub,
pinuno niya bathtub then in-electrocute niya ako,” kwento ni Ruffa.

“Even before we got married, sinasaktan na niya ako. Dati sampal lang,
tulak lang.” dagdag niya pa.

Tumakas lamang si Ruffa noon sa Istanbul soot ang panjama.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular