Home Social Media PNP naghihintay muna ng warrant bago hulihin ang SUV driver na bumangga sa isang gwardiya

PNP naghihintay muna ng warrant bago hulihin ang SUV driver na bumangga sa isang gwardiya

0

Kahit na nagpadala na ng surrender feelers ay hindi parin hawak ng otoridad ang suspek na si Jose Antonio San Vicente.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang suspek matapos nitong ma-hit and run ang isang guwardiya sa Mandaluyong.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni PNP na hindi na maaring arestuhin si San Vicente dahil sa hinihintay pa nila ang warrant mula sa korte.

“Nawala na po kasi ang bisa ng warrantless arrest pagka-file ng kaso,” ayon kay Mandaluyong City Police chief Police Colonel Gauvin Mel Unos.

Patong patong ang reklamong isinampa laban sa suspek na maari niyang ikakulong ng ilang taon.

Hanggang ngayon daw ay hindi parin nila nakakausap ang suspek at nakadagdag pa sa pahirap nila ang pagharang sa kanila ng mga security guard ng subdivision na tinitirhan ni San Vicente.

Ilang ulat narin sa social media ang kumakalat na kamag-anak ng isang makapangyarihang tao ang suspek kaya hindi nagtataka ang mga netizens kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito nahuhuli.

“Ilang araw na di parin naaresto pero kung pobre lang yan malamang nakakulong na yan.” sabi ni Aki Gloriane.

“Yung matanda kinulong nila kasi mahirap walang warant un,ito nasa ospital na nakalatay na hnd nila mahuli oh my god in the Philippines only,” komento ni Judith Gasmin.

“Walang mangyayari Dyan iba talaga Pag mayaman ooperan lang ng malaki halaga yung biktima. Ilang araw na hindi pa hinuhuli malamang naka labas na ng pilipinas yarn,” ani Rey Catindig.

Hanggang ngayon ay wala paring pahayag ang kampo ng suspek kung ano ang susunod nilang hakbang.

Facebook Comments